Prinsesa ng Katamaran

Sabi ko maaga na akong babangon para hindi na ako matataranta pang magayos for work. Pero wala eh, pinaninindigan ko na ata araw-araw ung pagiging Prinsesa ko ng Katamaran.

Sine-set ko lagi ung alarm clock ko ng dalawang oras bago ung dapat na oras na babangon ako. Wala hindi umuubra. Lagi ko rin namang pinapatay, tapos pahilata-hilata parin sa kama. Akala mo madami pang oras para magmuni-muni.

Ang hirap pilitin ung sarili kong bumangon lalo na’t ganito ung panahon. Ang sarap pumulupot kay Winnie the Pooh hotdog pillow at gawing sausage roll ang sarili gamit ang sobrang lambot kong duvet/kumot.

Kung pwede lang sana humiga nalang ako at matulog araw-araw, go na go ako. Kaso hindi. Mala-late lang ako, kagaya ngayon. NAKAKATAMAD!

2 Comments

Filed under Uncategorized

Nawawala…

Nung una parang naghe-hesitate pa ako gumawa ng bagong blog. Iniisip ko agad na baka hindi ko maa-update lalo na’t lagi na akong tinatamad. Pero na-excite ako ulit dun sa idea na after almost 4 or 5 years (or mas higit pa ata) na ung nakaraan nung last na blog entry ko noon sa Xanga, balik blogging ulit ako. 🙂

Andami ng nagbago. Umunat na ung buhok ko, pero bumalik ulit sa pagkakulot. Tumangkad ata ako ng konti? Mas lumalim ung eyebags ko kahit na tapos naman na ako sa pagaaral. Ayun, nakagraduate narin ako. Akalain mo, grumaduate ako? Muntik na akong mag-give up. Naalala ko pa ung ginagawa ko ung Final Year Project (Thesis ata un sa Pinas) ko, bigla nalang akong humagulgol. Sabi ko hindi ko na kaya. Pero kinausap ko si Mama at si Bossing sa taas. Sabi ko konti nalang matatapos na ako, kailangan ko lang ung gabay nila. Tumigil muna ako ng isang oras, nagisip isip. Sabi ko sa sarili ko, tatapusin ko ito. Para kay Mama at Papa.

Grumaduate ako with “flying colours”. Naka-First Honours Degree pa ako (Akalain mo yun?!). Sa sobrang shock ko nun napamura pa ako nung nakita ko ung grades ko. Buti nalang di ko namura si Papa nung kausap ko siya sa telepono habang sinabe ko ung grades ko. Napaiyak lang ako ng todo. Tapos mura ulit sa saya.

Full time narin ako sa trabaho. Ung trabaho na sa una, ang saya saya. Tapos ngayong isang taon na ako doon, gusto ko ng umalis ulit. Kaso nga prinsesa ako ng katamaran. Hindi ko maiwan-iwanan ung trabaho ko ngayon.

Naka-graduate nga, pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anung gagawin ko sa buhay ko. Kaya ngayon masasabi ko na NAWAWALA ako. Hindi ko parin alam kung anung trabaho nga ba ung gusto ko. Hindi ko parin alam kung makakaalis nga ba ako sa current job ko or tatanda na lang ako doon. At mas lalong hindi ko pa alam kung kelan nga ba magiging masaya si Papa pag sinabe kong may boylet na ako sa wakas.

Andaming tanung na hindi pa nasasagot. Kaya sa ngayon, dito muna ako tatambay. 🙂

8 Comments

Filed under Uncategorized